Abante Tonite Interactive

Mark Bautista umamin sa bromance

By
5,599

GRABE ang pasabog ng libro ni Mark Bautista na “Beyond The Mark” lalo raw sa chapter na may titulong FRIENDSHIFT

Ayon sa www.allandiones.com, inamin ni Mark na bromance sila ng isang male friend niya. Naging  intimate umano ang relasyon nila. Ito rin diumano ang dahilan kaya naghiwalay ang friend niya at ang kasintahan nito.

Nagduda raw  ang nobya ng kaibigan niya sa kanilang dalawa.

Hindi na nagsalita at dumipensa  si Mark noon bilang proteksyon sa friend niya.

Pero, how true na gusto munang kausapin ni Boss Vic Del Rosario si Mark bago i-release ang libro dahil sa rebelasyon niya?

Erich nahirapang umungol!

NAHIRAPAN nga ba o sadyang nasarapan lang si Erich Gonzales sa maiinit na eksena nila ni Tom Rodriguez sa “The Significant Other”  ng CineKo Productions?

Marami ang naglalaway sa mga naglalabasang stills na very sexy at intimate scenes.

Pero sa likod nito, may tsikang nahirapang mapaungol si Erich sa mga  eksenang  nakikipaghalikan, nakikipagyakapan at hipuan nila ng leading man niyang si Tom Rodriguez.

Gayunman, kitang-kita sa facial expression niya ang  sarap at excitement.

Panoorin na lang ang movie sa February 21 kung saan ay ginalingan ni Erich na paghaluin ang nasasarapan na mukha pero bitin sa ungol.

Samantala, kung palaban si Erich sa bago niyang pelikula, ganoon din siya katapang sa bago niyang serye sa ABS-CBN 2 na  “The Blood Sisters” na magsisimula sa Feb 12 .Kasama niya sa serye  sina Enchong Dee, Ejay Falcon, AJ Muhlach, Cherry Pie Picache, Dina Bonnievie, Jestoni Alarcon, Ruby Ruiz, at Pamu Pamorada. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Jojo Saguin.

Sikat na loveteam pinabayaan ang maliliit na staff

HULAAN BLUES: Inisnab pala ng sikat na love team ang Christmas party ng kanilang sariling show. Hindi man lang nila inisip ang mga maliliit, na staff na mapapasaya nila at umaasa sa kanila nu’ng Pasko.

Ang dahilan diumano nila ay pinapagod sila dahil December­ 23 na ay nagti-taping pa sila.

Ang nakakaloka, wala man lang ipinadalang pamasko o pa-raffle ang aktres para sa mga tao nila sa show.

‘Yung ka-partner niyang aktor, maski papaano ay nakaalala­ na mag-share ng blessings.

How true na na-insecure ang loveteam na ito sa isang sikat na artista na isinama sa kanilang show kaya nagpapakita sila sa production ng bad attitude?