Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mark bet ligawan ulit si Claudine

0 184

Parehong hindi nagdalawang-isip sina Claudine Barretto ang Mark Anthony Fernandez nang i-offer sa kanila ang pelikulang Deception ng Viva Films at Borracho Film Productions mula sa direksyon ni Joel Lamangan.

Ang huling pelikula pa nilang ginawa together ay ang Mangarap Ka 27 years ago at noon pa talaga ay marami na ang nagre-request na magkaroon sila ng reunion movie.

“No second thoughts,” ani Claudine sa digital mediacon kahapon, “matagal ko na siyang gustong makatrabaho.”

Wala rin daw ilangan sa kanila habang ginagawa ang pelikula. Well, as we all know ay may past relationship sina Mark and Claudine.

“Walang ilangan. Nag-uusap kami kung anon’g gusto naming gawin sa scene and happy ako. Kasi, ano pa bang pwedeng hingin? Si direk Joel na ‘yung direktor, tapos si Mark pa (ang kasama), so ang laki-laking pasasalamat ko sa Borracho Films at sa Viva,” sey ni Claudine.

Ayon naman kay Mark, na-excite daw siya more than anything dahil matagal na nga raw sila dapat gagawa ng pelikula pero hindi matuloy-tuloy.

“Buti ngayon, natuloy na, and natsambahan naman namin itong script na ‘to,” he said.

Natanong din ang dalawa kung nag-throwback ba sila sa kanilang past habang ginagawa ang film at napag-usapan ba nila kung paano kaya kung nagkatuluyan sila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aminado naman sila na napag-usapan nila talaga ito at sey nga ni Mark, masaya siya na close sila ulit ni Claudine.

“Hindi man kami nagmamahalan bilang lovers, bilang magkaibigan, bilang acquaintance, ako natutuwa pa rin akong nakakausap siya, ganu’n din siya sa akin.

“Pero iniisip ko rin, kung nagkatuluyan kami, ano kaya ang hitsura ng anak namin? Alam mo ‘yun?” ani Mark.

Sey ni Claudine, “napag-usapan namin ‘yan, actually. ‘Pano kung nagkatuluyan tayo? Ilang taon na ‘yung anak natin? Kino-compute pa namin.”

Biglang hirit ni Mark, “pero para sa akin, hindi pa huli ang lahat, alam mo ‘yun? Kung anuman ‘yun. Kasi bata pa naman si boss Clau, eh. Alam mo ‘yun? Depende sa sitwasyon, alam mo ‘yun? Kung biglang may access ako na makaligaw sa kanya, bakit hindi?”

When asked kung mahal pa niya si Claudine ayon kay Mark ay mananatili raw siyang may crush sa ex-girlfriend.

“Yes, I still love Claudine, as an actress, as a friend. Crush-wise, hindi mawawala ‘yung pagka-crush ko sa kanya. Kahit ano pa ang situation. Basta lagi ko siyang crush,” pag-amin ni Mark.

Streaming na sa Vivamax ang drama-mystery film na Deception sa Vivamax. Bukod sa reunion movie ito ng tambalang Mark-Claudine, comeback film din ito ng aktres after 6 years.

Leave A Reply

Your email address will not be published.