Abante Tonite Interactive

Mark kumalas sa NCT

By
357

tonite-annyeong-rose-garciaMatagumpay ang ikalawang mini-album ng South Korean boy group na NCT Dream. Noong September 3 ay ini-release ng SM Entertainment ang kanilang ‘We Go Up’ music.

Globally naging positibo ang pagtanggap sa bagong kanta ng NCT. Nag-rank itong number 1 sa daily charts sa Hanteo, Synnara, Yes24 at Kyobo.

Number one rin sa iTunes Album Chart sa mga bansang Brazil, Chile, Singapore, Hong Kong, Indonesia, Thailand, Malaysia, Vietnam, Ukraine, Kazakhstan, Belarus at Philippines.

‘Yun nga lang, kasabay ng bago nilang album, inanunsiyo na noong August 27 na isa sa miyembro ng grupo na si Mark ay aalis na sa NCT.

Ang NCT ay malakas, lalo na sa mga teenager kahit dito sa bansa. In fact, isa ito sa nabanggit ng Megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang Instagram post nang batiin ng ‘happy birthday’ ang bunsong anak na babae na si Miel Pangilinan.

Si Miel ay isang K-pop fan at paborito niya ang NCT. At ayon kay Sharon, ang anak na si Miel din ang nakapagpaengganyo sa kanyang magustuhan ang K-pop.

Part of her Instagram caption patungkol kay Miel, “I love how you are K-pop Crazy and by being so have turned me into one too! You have become a good singer, a brilliant writer and a GREAT dancer. I am so proud of you. Sana anak kung puede lang like this ka na lang forever…watching NCT with Mama, and like the other night when NCT Dream finally launched their ‘We Go Up’ music video, we shared the experience of crying over the symbolisms in it seemingly referring to Mark leaving Dream soon to transfer another NCT unit. Sana ganito na lang tayo… para you could never get your heart broken at all.”