Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Mark may hinalo sa alak ni Christine’

0 496

Isa sa mga kasama ni Christine Dacera sa New Year’s Day party ang naglagay umano ng hindi natukoy na sangkap sa kanyang inumin.

Ayon ito kay Rommel Galido, na isa sa mga suspek sa umano’y rape-killing case.

Sa isang press conference, kinuwento ni Rommel na sinabi sa kanya ni Christine na may isang Mark na naglagay ng `something’ kanyang alak.

Isa si Galido sa mga kasama ni Dacera sa Room 2209 ng City Garden Grand Hotel.

“Noong gabing iyon, tumabi siya (Dacera) sa’kin, then sabi niya, ‘Sis, parang I feel something, parang naiiba ‘yung pakiramdam ko. I think merong naglagay sa drink,’ sabi niya sa’kin. Then sabi ko, ‘Who?’ and then sabi niya sa’kin, ‘I think Mark,’” ani Galido.

“Then sabi ko lang sa kanya, ‘Gaga, kung anu-anong pinag-iisip mo.’ Gumano’n lang ako sa kanya then dinedma ko na siya. Bumalik na naman ako sa pagtulog,” lahad pa niya.

Nang tanungin kung sino ang pinatutungkulan, sinabi ni Galido na ang kanyang tinutukoy ay si Mark Anthony Rosales, na isa rin sa 11 suspek sa kaso.

Hindi pa nagpapakita sa publiko at wala pang pahayag si Rosales matapos ang pagkamatay ni Dacera.

Samantala, giniit ng pamilya Dacera at legal team nila na ginamitan ng drugs ang flight attendant ilang sandali bago ito ideklarang patay sa ospital.

Pero tinanggi ni Galido at iba pang suspek na sina Clark Rapinan, JP dela Serna, at Valentine Rosales na gumamit sila ng drugs sa nasabing party. (Shernielyn Dela Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.