Abante Tonite Interactive

Mark pumiyok kina Alden-Winwyn

586

Ni Roldan Castro

“Bahala sila kung totoo man ‘yun o hindi,” reaksyon ni Mark Herras sa pagkaka-link ni Alden Richards kay Winwyn Marquez.

Hindi naman daw siya humuhusga sa dalawa lalo’t kilala niya ang mga ito.
Actually, block daw ang katapat nu’ng may mag-tag sa kanya. Nang-uurat daw ito na ‘yung kaibigan niya ay dyodyowain ang ex niya.

Ayaw naman daw niyang bigyan ng malisya ang friendship nina Alden at Winwyn dahil matagal na silang magkaibigan.

Idiniin din ni Mark na friends sila ni Winwyn kahit magkahiwalay na sila. Wala raw silang communication ngayon.

Ready na raw siyang magmahal ulit kung may matatagpuan siya.