Abante Tonite Interactive

Mark at Winwyn, READY na!

By
Mark Herras
14

WALA pang engagement na nagaganap kina Winwyn Marquez at Mark Herras, pero feeling namin ay candidate ang dalawa sa mga posibleng ma-engage at magpakasal this year.

Laging sinasabi ng 30-anyos na si Mark na si Winwyn na ang babaeng gusto niyang pa­kasalan.

24-anyos lang si Wyn, pero ‘pag biglang nag-propose si Mark ay mukhang hindi niya ito tatanggihan.

Nu’ng New Year ay twinning ang mga damit na sinalubong ng Kapuso sweethearts ang 2017, na ang sey ni Wyn sa Instagram ay, “Ready na kami…”

Puwede kayang ang ibig sabihin nu’n ay “Ready na kaming magpakasal” o “Ready na kaming bumuo ng pamilya”?!

Ulilang lubos na si Mark, so si Wyn na ta­laga ang pamilya niya. Mukhang inseparable na ang dalawa at tila si Wyn (na kung tawagin ni Mark ay PANGGA) na ang huling babae sa buhay ni Herras.

Wynwyn Marquez
Winwyn Marquez

Maganda ang pasok ng 2017 kay Winwyn dahil kasama na siya sa Encantadia.

Siya ang bagong karakter na si Helgad na mula sa lupain ng mga Nymfa.

Siya ang kukupkop sa anak nina Lilasari (Diana Zubiri) at Hagorn (John Arcilla) na si Deshna.