Abante Tonite Interactive

Marker na gagamitin sa eleksyon pina-recall ng Comelec

339

Ipinabawi ng Commission on Elections (Comelec) ang mga marking pen na gagamitin sana sa mga polling precinct sa Apayao para sa eleksyon sa Mayo 13.

Ayon kay provincial election officer Elenita Julia Tabangin-Capuyan, matagal umanong matuyo ang tinta ng mga marking pen at hindi ito makabubuti sa makina.

Hindi naman tinukoy kung gaano karami ang mga marking pen na ibabalik sa Maynila.

Agad na pinawi ng Comelec ang pangamba ng mga taga-lalawigan na baka makaapekto ito sa pagdaraos ng eleksyon sa kanilang mga lugar dahil para­ting na umano ang mga bagong kapalit nito.

Posible umanong gamiting kapalit ang mga ginamit na marking pen sa halalan noong 2016.

Sakaling hindi umano uma­bot ang mga kapalit na marking pen, maaari umanong gumamit na regular na ballpen para pang-shade sa balota.

Importanteng mapalitan kaagad ang mga marking pen upang masiguro na hindi magkakaaberya sa bilangan ng boto. (Mia Billones)