Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marking sa bahay ng COVID positive sinita

0 77

Hindi pabor ang Commission on Human Rights (CHR) sa ginagawang hakbang ng lokal na pamahalaan sa paglalagay ng ‘yellow marking’ sa mga tahanan ng pamilyang nahahawaan ng COVID-19 dahil ito umano ay paglabag sa karapatang-pantao.

Ayon kay CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana, hindi na dapat lagyan ng marking ang isang bahay dahil nagdudulot lamang ito ng diskriminasyon sa komunidad.

SM food to go Banner Ad

Wala aniya itong pinagkaiba sa inilalagay na yellow marking sa mga bahay ng pinaghihinalaang drug pusher sa ilalim ng war on drugs ng pamahalaan.

Sa halip, ipinayo ng CHR ang mahigpit na pagmomonitor ng barangay at mga LGU sa mga pamilya na isinailalim sa granular lockdown. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.