Abante Tonite Interactive

Markus aprub sa ermat ni Janella

466

Hindi direktang kinumpirma ng aktres na si Janella Salvador ang relasyon niya sa rumored boyfriend na si Markus Patterson. Pero halata sa kanyang awra na masaya ang kanyang lovelife ngayon.

Sa isang panayam, sinabi niya na napapasaya siya ni Markus. Hindi niya nais ikwento ang buong detalye pero matik na raw umano kapag nakita silang dalawa na magkasama.

Sey niya, “Oo napapasaya naman niya ako, pero I just don’t want to share a lot.”

Hindi man naging maganda ang huling relasyon ni Janella kay Elmo Magalona.Bukas-puso pa rin siyang magmahal at this time, pinili niyang hindi ito itago at maging open sa mata ng publiko.

Ang kanyang rason? Aniya, “Pero ngayon marami na rin akong napagdaanan from that moment and marami na ako natutunan talagang fully recovered na kaming lahat.”

Aprubado na rin ng kanyang mga magulang ang rumored boyfriend. Kamakailan nga ay kabilang si Markus sa imbitado sa kaarawan ng ama ni Janella na si Juan Miguel Salvador. Maging ang ina niya na si Janine Desiderio ay nakilala na rin ang aktor. (Rona Ronda)