Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Markus binasag katahimikan sa hiwalayan kay Janella

0 572

NI: VINIA VIVAR

Nagsalita na rin si Markus Paterson hinggil sa usap-usapang hiwalay na rin sila ni Janella Salvador.

Sa latest interview sa aktor ng Cinema News, isa sa naitanong sa kanya ay kung ano ba talaga ang tunay na estado ng relasyon nila ni Janella.

“Our relationship status is definitely something that people are asking about. But as of now, I’m gonna let her do the talking on that situation but we’re both very good,” sey ni Markus.

He added, “we have (a) very good relationship with each other. So, let’s just leave it at that for now.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero ayon sa aktor ay masaya naman daw ang kanyang puso ngayon.

“Ang puso ko ngayon? Masasabi ko lang na masaya, sobrang saya ng puso ko. Magaan in a lot of ways,” sambit niya.

“I’ve come to terms with a lot this year so far and I just can’t wait to grow more and learn more about everything in life, my craft, relationships, fatherhood. I’m so young and I can’t wait to just become the best version of me,” dagdag niya.

Matatandaang nagsimula ang break-up rumors sa dalawa nang mapuna ng netizens na hindi na sila nagpo-post ng mga larawan ng isa’t isa. Ang huli pa nilang post together ay noong Enero nang mag-celebrate sila ng Bagong Taon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.