Abante Tonite Interactive

Markus laglag kina Janella, Joshua

783

May katotohanan nga kaya ang chikang ang mayuming si Janella Salvador, tatablahin na ang kanyang special friendship o relasyon kay Markus Paterson?

Ang dahilan, marami kasi ang kinikilig sa tambalan nila ni Joshua Garcia at ang dalaga. Tila nagka-second wind sa kanyang karera dahil nga nakatambal nito si Garcia. Handa nga bang isakripisyo ang kung ano man meron sila ni Paterson para nga tuloy-tuloy na muli ang pagningning niya?

Alam na alam naman nating lahat na in limbo ang career ni Salvador matapos ang maligalig nilang relasyon ni Elmo Magalona na naging kapareha niya rin for reel. Si Markus, dumating sa buhay niya at naging ka-close bago dumating si Garcia at makasama niya sa “The Killer Bride” .

Kung pipiliin ni Janella si Joshua para sa ekonomiya at mas bonggang-bonggang karera, dapat ba natin itong gawing laban sa kanya? Dapat bang parunggitan siyang mukhang pera, makasarili at walang pakundagan sa damdamin ng iba? Si Janella ba ay mapaglarong Eba? Paasa at ginagawang laruan lamang ang mga lalaki? O mauunawaan natin na walang masama kung mamahalin niya ang karera at sarili .Sino ba tayo para magtaltalan at magreklamo kung pinili niya si Joshua? Eh kahit saan anggulo tingnan, sa karamihan, ang binatang actor ay tunay naman katangi-tangi at kaiibig-ibig.

Kaya, ano ang mangyayari kay Markus Paterson? Pagsisihan nga kaya ni Salvador ang pagbitaw sa binatang may nakakatakam na karug at kakaibang kisig rin naman?

Sa naglalabang pwersang karera at pagmamahalan, ano nga ba talaga ang matimbang? Ano nga ang dapat bigyang halaga? Sa mga darating na araw, mapapagtanto natin kung sino at ano nga ang pinili ni Janella Salvador.

Mga netizen nandiri sa Vice, Ion beach photo

Sa true lang, sa kasalukuyang panahon, mahirap ispelingin kung ano ba talaga ang naghahatid ng ligaya, kilig, suporta at pagmamahal sa madlang pipol.

Isang konkretong halimbawa, may panahon dati na marami ang masaya para sa Queen Bayot Vice Ganda at lover niyang si Ion Perez. Ngayon naman, kaunting kibot at kilos lamang nila, agad-agad, marami ang naalibadbaran at para bang hindi katanggap-tanggap at natural ang kanilang pagmamahalan.

Ang beach photo ni Jose Marie at Ion, na super sharing ni Ganda sa Instagram na may caption pang “When LOVE wins, we win,” kahit na may pangmalakasan itong liking, hindi rin maikukubli na mas marubdob at wagas ang bashing at hating.

Saan pa nga kaya lulugar ang relasyon nila Vice at Ion lalo na nga’t polarizing na nga ba ang epekto nila? Habang ipinaglalaban nila ang kanilang kakaibang pagmamahalan, ang pangunugtya at pang-iinsulto ay wagas na wagas. Kung saka-sakaling maghihiwalay naman sila, magmamagaling na naman ang magmamarunong na “we told you so” at ”it was doomed to begin with” tiyak ang magiging concluding kuda at hanash.

Hindi naman apektado si Vice Ganda sa opinion ng mas nakakarami. Ang kaligayahan nila ni Ion ang mas importante sa kanya. And let us leave it at that. Huwag niyo na po silang husgahan. Huwag na pangunahan kung ano pa ang mga susunod na kaganapan.

Gabby ginagatungan ang Sharon-KC iringan

Sigurado naman na kapag tinanong mo si Gabby Concepcion tungkol sa kanyang latest IG posts, tiyak na itatanggi niyang para sa ex-wife niyang si Sharon Cuneta ang mga ito.

Marami kasi ang nanalig na ang emote niyang: “Avoid who mess with your head….” At yung “Hate nothing and no one….”eh parang mga words of encouragement niya para sa kanyang first born daughter Kristina Cassandra na halatang-halata naman talaga na ang relayson sa kanyang mommy dearest ay nasa hindi kainamang estado.

Dahil sa mga post na ito ni Papa Gabo, marami ang nag-oopinyon he is adding more fuel sa apoy na namamagitan sa mag-ina. Sa true lang, ang pinagtataka ko talaga, bakit laging ang iniisip ng mas nakakarami, para kay Ate Shawie ang mga mensahe ni Concepcion sa kanyang social media account?

May pananalig ang diva that you love na hindi na si Cuneta ang center of Gabby’s universe at maaring para sa ibang nilalang ang kanyang mga ibinabahagi. At kung parang reminder niya ito kay KC, hindi ko rin pananaligan dahil may direct access naman siya sa kanyang beauteous daughter . hindi na niya kailangan pang ipahayag ang kanyang saloobin at paalala sa social media.

Kaya huwag na nating pagbintangan pa si Gabby Concepcion na best in panggatong, huh!