Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Markus sobrang natakot sa baby

0 94

Matapos ang ilang buwang paghihintay, pinakilala na nina Janella Salvador at Markus Paterson sa publiko ang kanilang panganay na si baby Jude.

Sa isang YouTube vlog kahapon, makikita ang panganganak ni Janella ng baby boy noong October 20, 2020.

Bakit matagal bago nila sinapubliko? Hinihintay anila nila na magkaroon ng “very best environment” bago nila ilantad ang kanilang sanggol.

“Well ‘yung proseso? Well, alam naman na one day, we are going to release him to the world. Sobrang natakot kami nung una, because we knew that the world is very harsh and right now isn’t the very best environment. Well, now it is. Kaya nga inilabas namin,” sey ng aktor sa isang online show.

“Pero noong una, talagang we want to shield him from everything and keep everything as quiet as possible,” aniya pa.

Pinasalamatan din ni Markus ang kanilang “super small circle” na unang nakaalam ng balita pero hinayaan na sila ang magbunyag nito sa madla.

“Una sa lahat, shout out sa lahat ng close friends and family namin that kept the secret with us. That helped us throughout the journey,” wika ni Paterson.

“Pero ‘yon he is out, he is happy, he is growing, he’s fat and we are happy. And everything is beautiful.”

“I know it’s such a beautiful way to start the year for me and for everybody else and we thought na 2021, fresh page na parang ‘let’s just leave everything out there’,” sabi pa niya. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.