Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marlo inurirat sa hiwalayang Janella, Markus

0 402

NI: BETH GELENA

Balik-akting ang singer-actor na si Marlo Mortel.

Huling Lamay ang title ng movie niya na ang direktor ay si Joven Tan.

Masaya si Marlo dahil may bagong oportunidad na magkaroon ng work ang mga nawalan ng trabaho noong kasagsagan ng pandemya.

Dumalo ang Kapamilya aktor sa grand launch ng AQ Prime, isang bagong Pinoy streaming app, na ginanap kamakailan.

Ipapalabas din sa AQ Prime ang ‘Huling Lamay’ na kanyang ginawa.

Aniya sa isang panayam, “At least, digital age na tayo. Meron tayong another app na hindi lang tayo limited doon sa merong mga apps na, pero meron tayong AQ Prime na may mga Pinoy movies.”

Samantala, tinanong si Marlo kung may alam ba siya sa rumored breakup ng dati niyang ka-loveteam na si Janella Salvador kay Markus Paterson.

“Not really, hindi pa kami ulit nagkakausap ni Janella,” sambit ng aktor.

“Kung ganoon ang kakahinatnan ng relationship nila, I mean, gusto ko munang ma-confirm at saka na ako magre-react.

“Basta ako, I’m happy for the both of them, kahit couple or individual,” bulalas pa niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.