Abante Tonite Interactive

Marlo, Morissette hinarana ang inang lumalaban sa cancer

By
683

Patuloy na nakikipag­laban ang ina ni Marlo Mortel na si Merlie Pamintuan sa sakit na breast cancer. Napakasakit para sa aktor na makita ang ina na nahihirapan. Humihiling siya na ipanalangin ang kaniyang ina.

Aniya sa tweet, “Please pray for my mom. We’re losing her now. Lord please don’t take her away from us. Please Lord work your miracle on my mom. I know she can survive this!”

Nasa kritikal na kondisyon na raw umano ang kaniyang ina at tanging milagro at panalangin ang hinihingi niya.
“We’re all holding on Mommy. Please don’t let go,” tweet ni Marlo.

Samantala, nag-alay ng awit at hinarana ni Marlo ang ina kasama si Morissette Amon.

“I hope this cheered you up mommy,” caption niya sa video na inupload niya sa Instagram at sabay nilang inawit ni Morissette ang kantang “Way Back Into Love”.

Ilang mga celebrity naman ang sumuporta at nanalangin para sa ina ng aktor katulad nina Maris Racal, Jane Oineza, Hero Angeles at Jeremy Glinoga.