Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marlo muntik mamatay noong 5 taon

0 88

NI: NONIE NICASIO

Aminado si Marlo Mortel na naka-relate siya sa kanilang pelikula na ‘Suarez: The Healing Priest’ dahil muntik daw siyang mamatay noong bata pa . Nadaan lang ito sa power of prayers.

Panimula niya, “Ako mismo makaka-relate ako, kasi when I was younger, when I was five years old, I almost died, nag-50/50 ako because of asthma.

“Pero nadaan sa power of prayers when I was transferred to a different hospital, naagapan nila ako. But I was already violet, and I was almost dying. Mabubuhay na lang daw ako kung makabitan ng tubo, siyempre hindi sila papayag.

“So nakaka-relate ako sa part na iyan, dahil ang faith talaga, it can move mountains if you just believe.”
Ano ang masasabi niya kay John Arcilla bilang co-actor?

SM food to go Banner Ad

Esplika ng actor/singer, “He’s very good, he’s amazing ‘di ba, from Heneral Luna?”

Patuloy pa ni Marlo, “And, he’s my dad from Oh My G! So we are actually really close dahil magkasama kami araw-araw before and maraming beses ko siyang kaeksena roon dahil nga, tatay ko siya. Of course, rito sa movie, mayroon ding scenes kami.”

Pang-ilang MMFF na niya ito?

Lahad ni Marlo, “It’s my third MMFF film. First is Haunted Mansion, my first movie where I won the Best New Movie Actor sa Star Awards for Movies ng PMPC. Then yung second is One Great Love, I was a support there. It’s a very memorable one for me because nandoon ako sa shooting noon when I found out that my mom already-iniwan na kami.”

“So, I was crying the whole time sa set and ayun nga emotional, kasi nga hindi na siya nagre-respond. Pagbalik ko sa ospital galing Tagaytay, sa taping wala na, hindi na… so I’m just, ayun… Maraming memories ang MMFF and this time marami ding mga napagdaanan, like buti natapos namin ito before pandemic,”sambit pa ni Marlo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.