Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marlo virgin sa laplapan

0 247

Investigative reporter ang katauhang ginamapanan ni Marlo Mortel sa MMFF 2020 entry na “Father Suarez The Healing Priest.”

Masayang kwento ni Mortel,”Mature na ako rito sa movie na ito. Hindi na totoy na totoy Dati kasi laging teen roles o kaya ang ka-partner ko, mas bata talaga sa akin, age wise.”

Inamin ni Marlo: “Alam niyo, 27 years old na ako, kahit isang kissing scene, wala pa akong nagagawa. Kahit sa TV o sa movies ko dati. Hindi ko nga mantindihan kung bakit ayaw akong bigyan ng kissing scnes. Masyado ba akong wholesome looking?”

Humaba ang buhok ni Mortel at bumabgay ito sa kanya. Nagka-angas. Parang handa na to do things that are naughty and sexy.

Ang showbuz crush niya pala for the longest time ay si Heart Evangelista. “Gandang-ganda ako sa kanya ever since. Weakness ko talaga ang babaing chinita. Sana makagawa kamu ng project together. Pwede naman, di ba?”

At dahil nga ang dati niyang ka-loveteam na si Janella Salvador ay nasa ibang bansa at nagbabakasyon kasama ang iniirog nitong si Markus Paterson, tinanong namin si Marlo kung naniniwala siyang nabuntis at nanganak na nga raw ang dati niyang katambal.

“I cannot comment on that,” mabilis na reaksyon ni Mortel. “Magkaibigan kasi kami at wala akong karapatan to disclose anything about her, especially something as personal as that. Respeto siyempre kay Janella.”

May panghihinayang ba siyang naramdaman na hindi siya ang na-chismis na nakabuntis? Napa-LOL si Marlo at sinabing: “Grabe ka Ms. Alwin! Sobra ka sa akin! May ganun akong panghihinayang?” Tawang-tawa talaga siya sa tanong.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang importante, busy siya ngayon sa kanyang pagiging singer. At naniwawala rin siya sa kasabihan na “may himala pag ang puso;y naniniwala” at para sa charming actor, isang himala na makasama siya sa “Father Suarez The Healing Priest” kasi, “Nagkaroon ako ng emotional issues ngayong pandemic. And kung yung iba, ang pamamaraan nila how to cope with the anxiety, ang sa akin, I began re-reading the Bible and the Words of God, really helped me from all my anxieties and worries. I did not make myself idle, laging bukas ang Bible ko nitong pandemya, binabasa ang mga salita Niya, inuunawa, dinadama. Kaya nga being this movie is a blessing. God wants me to be part of it kasi it says a lot about His love for all of us.”

**
Rosanna binuking ang malaking bird ng aktor

Ang diva that you love aliw na aliw sa trailer ng “Anak ng Macho Dancer.” Bumulaga na ito sa iba’t-ibang social media sites at siyempre .pa, siguradong ang asosasyon de maricones, bumagsak ang mga panga at literal na parang kiniliti dahil sa mga kaganapan.

Sa totoo lang, matapang agad ang mga linyahan at delivered with aplomb and conviction pa man din ni Ms. Rosanna Roces ang mga salitang “Magaling sumayaw. Malaki pa ang titi.”Pagkakaguhan ang titi mo dito.”

Iba rin talaga ang precision at pagbagsak ng mga linya pag galing kay Ms. Osang eh. At panalo ang reaksyon ni Sean de Guzman na parang hiyang-hiyang ito sa inasal at sinabi of his nanay dearest.

Thus I cannot help but wonder, pambihira nga ba talaga ang palo-palong nitong si Sean? Sino kaya ang makakapag-totoo na isa, dalawa, may sasampalin ka pa ang morenong binata?

At in fair Verona sa newbie, game na game nga sa pagsasayaw. Mas ma-appreciate ko siguro ang acting nito, pati na rin ang mga co-actors niya pag pinanood ko na ang buong pelikula.

Kailan nga kaya ang showing? Sa inyong paklramdam at pakiwari, my dear Tonite readers, si Sean de Guzman nga ba talaga ay young man with a big bird?

Leave A Reply

Your email address will not be published.