Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marlo willing maging ninong ng baby ni Janella

0 169

KINUHA namin ang reaksyon ni Marlo Mortel sa ginawang pag-amin ng dati niyang ka-loveteam na si Janella Salvador, na boyfriend na nito si Markus Paterson, na produkto ng Pinoy Boy Band Superstar.

Sabi ni Marlo,”Masaya ako for her, of course. Ganoon naman ako, kapag masaya ang isa kong kaibigan, masaya rin ako. Kilala ko naman si Markus, mabait siya. Nagkatrabaho na kami before,”

Kung sakaling magkaroon na ng baby si Janella at magpabinyag, okey lang ba na kunin siyang ninong?

“Oo naman! Malakas sa akin si Janella. Kung ano ang request niya, sige . Itinuturing ko rin si Janella na isa sa close friend, why not … sana,” pakli niya.

“Wala namang problema sa aming dalawa. It’s just that, hindi lang kami nagkikita ngayon, because of pandemic. Ininvite ko nga siya na mag-guest sa show ko sa Kumu one time,pero hindi siya pwede.May okasyon kasi sa kanila.”

Hindi lang artista si Marlo, isa rin siyang singer.

“Ang akala ng iba, kumakanta lang ako sa mga mall shows . Ang alam nila, artista ako na kumakanta-kanta lang. Hindi nila alam na singer talaga ako. May album akong nagawa. Sa Kumu nga, maraming nagugulat kapag kumakanta ako. Sinasabi nila, hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, magaling daw pala akong kumanta. Sabi ko, singer kasi ako,”natatawang kwento pa ni Marlo.

Samantala, kung papipiliin, mas gusto raw talaga niya na ma makilala bilang isang singer kesa artista.

“Mas gusto ko talagang mag-focus sa singing career ko,”pakli pa niya.

Nakausap namin si Marlo nang mag-guest siya sa show namin sa Kumu na Pito Ito.Iba Ito. Napapanood ito tuwing 9PM sa Roldilicious account ng KUMU. ROMMEL PLACENTE

Leave A Reply

Your email address will not be published.