Abante Tonite Interactive

Marlon ‘Loonie’ Peroramas hari ng tugma ‘Dapat mukhang mabaho ang mga rapper’

200

Binigyang linaw ni Loonie ang pagtingin ng ilan sa mga rapper na tulad niya bilang mga taong matatalino, magaling mag-isip ngunit mukhang mababaho.

Saad ni Loonie, kailangan ang ganoong aura sa FlipTop.

“Totoo yun, totoo kasi kapag nagmukha kang masyadong mabango parang, para sa kanila nakakabawas ng masculinity. Parang may macho effect kasi, na parang ‘uy, dapat balbas mo makapal,” paliwanag nito.

Abante Hiring – IT dep

“Kapag masyado kang malinis don, tingnan mo si Abra laging tinitirang bakla kasi malinis yung ano niya, clean cut siya, so pag andun ka syempre lugar ng mga haling ang bituka yun,” dagdag pa nito.

Kuwento pa ni Loonie, maangas man ang kaniyang pormahan ay mabait naman siya sa totoong buhay katunayan ay nagre-rescue aniya siya ng mga kuting.

“Oo, sa totoo talagang mga ginagawa ko nagrerescue ako ng mga kuting,” kuwento nito.

Biro naman ng host na si Rey Pumaloy, baka naman aniya ibang kuting ang nirerescue nito na nagbunsod ng tawanan.
“Ako hindi naman ako mapili e, basta mukhang mabango yung kuting,” dagdag na biro nito.

Paglilinaw naman nito, hindi naman totoong mabaho sila, mukha lang mabaho.

“Look lang yun, look hindi smell. Image lang yun.” (JM)

****

“Kung ‘di ako rapper, basketball player ako”

Nahumaling sa Abante

Si Loonie, kasama ang bandang Brass Pas Pas Pas Pas, ang lumikha ng theme song ng numero unong tabloid sa bansa, ang Abante.

Sa isang panayam ay ibinahagi ni Loonie ang naging inspirasyon upang pumayag na gumawa ng awitin para sa dyaryo.
“Yung lugar mismo, itong opisina, nung bumisita kasi ako rito nakita ko yung kultura; nakita ko kung paano magtrabaho, nakita ko kung pano,” saad nito.

“Iba’t iba e, may kaniya-kaniya silang ano, designation e, nakita ko rito yung sa media room, alam nilang merong – kumpleto yung, so nakita ko seryoso sila sa ginagawa nila at nung sinabi ni Brother Niki na gawin namin to, hindi na ako nagdalawang-isip,” paliwanag pa ni Loonie.

Apat na araw nilang sinulat at nilapatan ng musika ang rap song na mapapakinggan sa Abante online. (JM)

****

Bawal ang pikon: FlipTop pauso ni Loonie

Kilala ang rapper na si Marlon Peroramas sa pangalang Loonie na mula sa tawag ng mga highschool friends nito na ‘Marloonie’ na siyang nag-umpisa ng Rap battle o FlipTop sa Pilipinas.

Ipinanganak sa Leyte at tubong Pasig si Loonie.

Sa isang special interview sa lodi musikero, inalam ng Abante kung paano nagsimula ang Fliptop.

Ayon kay Loonie, ang Fliptop ay nagsimula sa hilig niyang mang-asar simula pa noong siya at bata.

“Bata pa lang ako malakas na akong mang-asar tapos mahilig din ako sa rap. So, yun, nung mga kaklase ko pinag-ba-battle ko dati, wala pang Fliptop,” kwento nito.

Hindi pa man uso ang Fliptop noong panahong yon ay ginagawa na ito nina Loonie.

“Isa kasi ako sa nagsimula nung movement na ‘Batang Rap’ sa Pilipinas. Sunugan, Fliptop. So, nagmula yun sa hilig ko sa kabataan noon sa pang-aasar at pag ra-rap, pinagsabay ko yun,” paliwanag nito.

“Naisip ko, pwedeng debate yun ah, na dalawa kayong mag-aasaran diyan. Dati kasi ganun lang e, parang ‘ang panget mo!’, ngayon hinalo namin dapat nag ra-rhyme, tugma, may istorya,” dagdag pa nito. (Jobelle Macayan)

****

Q&A

Tonite: Mahirap ba ang Fliptop?

Loonie: Mahirap pero masaya dahil hilig ko siya e, pero mahirap siya, hindi siya madali

Tonite: Napaiyak ka na ba sa battle?

Loonie: Hindi pa, pero may napaiyak na ako.

Tonite: Mag-aartista ka ba?

Loonie: Depende sa role, depende kung naniniwala ako sa role na yun at tingin ko kaya kong i-pull off why not?

Tonite: Sino ang mga idolo mo?

Loonie: Nung lumaki ako Gloc 9 talaga yung influence ko pero ‘yung naka-discover sakin si Sir Francis M., so nung na meet ko siya tsaka ko lang nalaman ‘yung mga kanta niya kasi masyado pa akong bata para maging fan niya dati.
Kumbaga isang henerasyon yung agwat.

Tonite: Paano ka na-discover?

Loonie: Sa Eat bulaga, kami ni Ron Henley sumali kami sa rap contest ‘Rapublic of the Philippines’, dun kami na-discover ni Sir Francis way back 2002.

Tonite: Sino ang gusto mong maka-collab?

Loonie: Morrissette Amon, Cynthia Alexander, Dong Abay collab.

Tonite: Paano magmahal ang isang Loonie?

Loonie: Mahilig akong sumulat ng tula, nagsusulat ako ng tula kung gusto ko talaga yung babae. Sulatan ko ng mga tula, dahil don ako magaling e. Magkakaiba kasi ng language of love e, merong mga sa salita dinadaan, merong action, merong act of service.

Tonite: Ano ang pinakamahal na naibigay mo sa jowa mo?
Loonie: Puso ko.