Abante Tonite Interactive

MarNella pinu-push na magkabalikan

630

Pinu-push ng mga fan nina Marlo Mortel at Janella Salvador na magkabalikan ang dalawa.

Katuwiran nila, pareho na silang malaya at walang ka-love team kaya puwede na muli silang magsama sa isang proyekto, mapa-teleserye man o pelikula.

Hirit pa nila, orihinal daw naman talagang magka-love team ang dalawa bago pa naipareha si Janella kay Elmo Magalona.

Sa kaso raw naman kasi ni Marlo, laging open arms itong tatanggapin si Janella dahil hindi na mawawala ang naging closeness nila noong ginagawa pa nila ang “Be Careful with My Heart.”

Bet din ng MarNella fighters na matupad ang pangarap nilang makita ang kanilang mga idolo na binibigyang-buhay ang paborito nilang Wattpad story na “I Love You Since 1892” na isinulat ng undeniably gorgeous na si Bini­bining Mia.

Katunayan, nag-organize sila ng Twitter party para hilingin na maka-join ang MarNella sa book signing ni Mia. (Archie Liao)