Abante Tonite Interactive

Maroons panis kay Nonoy, Growling Tigers

0 330

GINULANTANG ng University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers ang title favorites University of the Philippines (UP) Fighting Maroons, 85-69, sa second game ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament kahapon sa Araneta Coliseum.

Bayani ng Growling Tigers si Mark Nonoy na lumagare ng 16 marka at limang boards, katuwang si rookie Renzo Subido na may 13 markers para sa UST.

Angat sa malinis na 2-0 baraha ang Growling Tigers para pansamantalang okupahin ang early lead sa season, habang laglag sa 1-1 ang Maroons.

Tumulong rin para sa UST si Chabi Chabiyo sa kinubrang tig-18 puntos at rebounds.

“Of course I have to commend the players, they played well,” ayon kay UST coach Aldin Ayo sa post-game interview. “Talented talaga ‘yung UP pero lahat naman napaghahandaan.”

Nagpasalamat naman si Nonoy sa tiwala ni Ayo.

“Hindi kami ganun ka-talented pero isa lang ‘yung sinasandalan namin which is ‘yung sistema niya,” kwento ni Mark.

“Every practice lagi kaming binibilinan ni coach. Dun lang kami sumasandal para manalo ‘yung team.”

Namuno naman sa UP si Bright Akhuetie sa kanyang 19 points at 16 rebounds. (Aivan U. Episcope)