Abante Tonite Interactive

Martial Law extension nakasalalay sa AFP

By
104

Patuloy ang pagkuha ng mga datos ng tropa ng pamahalaan sa iba’t ibang lalawigan sa Minda­nao upang mapagpasyahan kung kinakailangan pa ng panibagong extension ng pagdeklara ng Martial Law, ayon sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Col. Noel Detoyato, patuloy ang kanilang ginagawang review para sa posibleng pagpapalawig ng Martial Law sa rehiyon simula ng una itong ipinatupad.

“Since day one, kasi we always assess the security on a daily basis,” pahayag nito sa panayam.

Abante Hiring – IT dep

Sa ngayon ay hindi pa naibibigay ng AFP kay Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyo sa kanilang nakuhang mga data dahil wala naman umano itong timeline.

“We cannot give a categorical statement because there is no need for it right now,” dagdag ni Detoyato.

Matatandaang nauna ng sinabi ng Malacañang na depende sa rekomendasyon ng AFP kung kinakailangan ng tanggalain o palawigin pa ang Martial Law hanggang katapusan ng taon.

Unang idineklara ang Martial Law sa Mindanao noong Mayo 23, 2017 matapos ang ginawang pag-atake ng Maute group sa Marawi City.

Pinayagan naman ng Kongreso ang extension ng Martial Law nitong Hulyo ng nakaraang taon hanggang Disyembre 31, 2017.

Samantala nagsagawa naman ng joint session ang Senado at Kongreso noong unang linggo ng Disyembre 2017 at pinayagan ang request ng Pa­ngulo para sa extension ng Martial Law gayundin sa privilege ng writ of hebeas corpus mula Enero 1 hanggang Disymebre 31, 2018.