Abante Tonite Interactive

Martial Law extension tampok sa cabinet meeting

By
9

Tatalakayin sa ca­binet meeting nga­yong Martes ang isyu ng posibleng pagpapalawig pa ng Martial Law sa Mindanao.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa niya natatanggap ang rekomendasyon mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) pero posible aniyang talakayin nila ito sa ipapatawag na cabinet meeting para mas maayos silang makapag-isip.

“Not yet. The papers have not yet been submitted to me. It might be du­ring the cabinet after a pot session so that we can think clearly,” anang Pangulo. Bago ang ambush interview ay nagbiro ang Pangulo na nag-mari­juana ito subalit binawi agad at sinabing joke lang ito.

Sinabi pa ni Pa­ngulong Duterte na nakadepende sa AFP at PNP ang magiging desisyon nito dahil sila ang nasa field at alam ang mga kaganapan sa bansa.