Abante Tonite Interactive

Martial Law hindi pinag-uusapan sa Covid crisis! – Nograles

481

Hindi napag-uusapan sa Malacañang ang isyu ng martial law bilang option sakaling magkagulo dahil sa posibleng pagkagutom ng maraming Pilipino bunsod ng epektong dulot ng coronavirus disease 2019.

Inihayag ito ni Sectary to the Cabinet Karlo Nograles kasunod ng bantang `shoot to kill’ ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga manggugulo sa panahpn ng krisis sa COVID-19 at sa umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ayon sa kalihim hindi pinag-uusapan ang martial law sa pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ( IATF) dahil mas maraming bagay na dapat pag-usapan.

Pero sinabi ni Nograles na sa mga pagkakataong ganito ay dapat mayroong kaayusan para kaligtasan ng sambaynanan.

“Hindi natin pinag-uusapan ang martial law. But obviously, In a state of calamity, there has to be order kaya importante kay Pangulong Duterte that we maintain order especially in this time of crisis and in this time in the state of calamity,” ani Nograles.

Abala aniya ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan kung paano mapigilan ang pagkalat mg COVID -19 pero may mga grupong nanggugulo at inilalagay sa panganib ang kaligtasan at kalusugan ng kanilang mga kababayan.

“Ang point ng Pangulo, hindi papayag ang gobyerno na may manggugulo, may magsasamantala sa sitwasyong ito ,habang nangangamba at nag-aalala ang ating mga kababayan ay guguluhin pa ang sitwasyon,” dagdag ni Nograles.

Hindi aniya pinag-usapan sa IATF meeting ang grupong Kadamay na nanggulo nitong Miyerkules, pero tinalakay ito ng Pangulo sa pulong ng security cluster ng Palasyo.

“The IATF did not discussed the Kadamay issue per se, but the President talked about this with his security cluster,”wika ni NOgrales.(Aileen Taliping)

Tonite – Wendys Inhouse Ad