Abante Tonite Interactive

Martial Law sa Mindanao tuloy pa – AFP

By
10

Inihayag ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi pa rin aalisin ang pinaiiral na Martial Law sa Mindanao sa kabila ng pagdedeklara kamakalawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang Marawi City mula sa mga terorista.

Ayon kay AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, may mga tinutugis pa sila na mga galamay ng network ng mga terorista sa Marawi kaya hindi pa basta-basta maaaring alisin ang Martial Law sa Mindanao.

Dahil dito, ipinaliwa­nag ni Padilla na hindi pa rin maaaring basta na lamang makabalik ng kanilang mga bahay sa loob ng Marawi ang mga lumikas na residente dahil tuluy-tuloy pa rin ang operasyon ng militar sa nasa dalawa hanggang tatlong ektaryang lugar na may mga natitira pang mga miyembro ng Maute terror group na nasa 20 hanggang 30 armado.

Abante Hiring – IT dep

Hawak pa rin ng mga natitirang terorista ang hindi bababa sa 20 sibil­yang bihag.

Tuloy pa rin ang clearing operation ng militar dahil may mga naiwan pa ring mga improvised explosive device (IED), mga hindi pumutok na bomba, at mga patibong na hindi pa rin naki-clear.

Samantala, nilinaw ng militar na ang mga nagpapatuloy na putukan sa lungsod ay sa maliliit na bahagi na lamang sa layong pulbusin ang mga nalalabing terorista at mabawi ang mga bihag.