Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Martial Law website naglaho

0 108

Hindi na mabuksan ang website na malacañang.gov.ph, kung saan matatagpuan ang Presidential Museum and Library, na naglalaman ng kasaysayan ng Martial Law.

Sa kanyang Twitter account, ibinahagi ni dating Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Undersecretary Manuel L. Quezon III ang tungkol sa “inaccessibility” ng nasabing website nitong Lunes, May 16.

“malacanang.gov.ph where the repositories of the Presidential Museum and Library were, is gone,” tweet ng apo ni dating pangulong Manuel L. Quezon.

Kapag pinuntahan ang malacanang.gov.ph, mababasa ang anunsiyo na, “This site can’t be reached.”

Ang Presidential Museum and Library ay pangunahing opisina sa loob ng Office of the President na inatasan para pangalagaan, panatilihin at i-promote ang kasaysayan at mga pamana ng mga naging pangulo ng bansa.

Subalit tiniyak naman ni Quezon sa publiko na ang mga factual account sa martial law ay nananatiling available online sa ilalim ng pribadong domain.

“Even if those were to be deleted, the content is already in books, and kept in Archive.org, which is for the public and not owned by the government. We placed copies of materials there precisely for that reason,” ayon pa kay Quezon. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.