Abante Tonite Interactive

Martin, hopia na maibalik ang talk show sa TV

By
10

ITUTULOY ng mag-asawang Ka Tunying at Rossel Taberna ang pagdalaw sa mga Katutubong Dumagat bukas sa Brgy. Calauis sa Antipolo.

Mabuti at maganda ang takbo ng ticket sel­ling sa concert ni Martin Nievera na Big Mouth, Big Heart, Big Night, kaya may magagamit na sila sa mga ipamimigay nila sa mga taga-Dumagat.

Mga dalawang oras lang daw ang lalakbayin nila mula Maynila at puwedeng lumuwas na dito ang mga Dumagat para mabigyan nila ng regalo, pero mahihirapan daw sila.

Kaya nag-decide sina Rossel na ang grupo bilang Outbox Media ang aakyat doon para pasayahin nila.

Itong mga Katutubong Dumagat ang beneficiary sa concert ni Martin, pero bago ang kanilang concert na gaganapin sa Metrotent Pasig sa August 19, aakyat na sila roon para mamigay na ng mga regalo.

Saad ni Rossel, “Magkakaroon po kami ng immersion doon.

“Meron po silang wish list, ‘yung ating mga kababayang Dumagat.

“Mostly po medical assistance ang kailangan nila.

“Nahihirapan po sila pumunta dito sa atin; kami po ang pupunta sa kanila.

“Gusto ko rin po makita ng mga anak namin na meron pong ibang mga tao other than us.

“Gusto ko po maging aware sila at para na rin po sa amin mga staff sa Outbox.”

Bukod sa mga medical assistance na dadalhin nila sa mga katutubo, magpapakain din sila ng mga masasarap na pagkain si­yempre ng Ka Tunying, at magbibigay din sila roon ng entertainment.

Documented ang pagdalaw nila roon para maipakita ito sa kanilang concert sa August 19.
Special guest dito ni Martin sina KZ Tandingan at Kakai Bautista.

May special number din si Martin na kung saan makaka-duet nito ang anak nina Ka Tunying at Rossel na si Zoey.

Nagpakitang-gilas na si Zoey noon sa iprinoduyus din nilang concert noon ng Aegis, pero iba ito ngayon dahil siyempre, Martin Nievera naman ang makaka-duet ng kanilang anak.

***

Martin Nievera
Martin Nievera

Sa presscon ng Big Mouth, Big Heart, Big Night concert ay nabanggit ni Martin na kahit marami na siyang nagawa sa kanyang entire career, marami pa siyang gustong gawin.

Gusto raw niyang balikan ang dati niyang ginagawa na may mga endorsements pa siyang natatanggap at sana makagawa pa siya uli ng isang talk show.

Pahayag ni Martin, “I wanna do more endorsements. I wanna do television again. I wanna bring back my talk show, and I want that to last a long time.

“Television has changed. They don’t want that slow boring talk shows anymore.”

Dagdag niyang tugon, “My dreams still the same and keep the Filipino entertainment alive in other countries. To let them know what we have.”

Hindi na niya iniisip kung magkano ang kikitain niya o kung mas mahal na ngayon ang talent fee niya.

Ang iniisip niya ay makagawa ng prog­ramang may malaking magagawa sa buhay ng mga manonood.

“It’s not anymore about the money. It’s like making a statement.

“My aim is to be priceless,” dagdag na sagot niya sa tanong kung mas mahal na ba siya ngayon.