Abante Tonite Interactive

Martin ihahatid si Pops sa altar ‘pag ikinasal

417

Bakit nga ba hindi na nagkabalikan sina Pops Fernandez at Martin Nievera? Talaga bang wala nang pag-asa para sa kanila to get back together again?

“There was a time that’s all I wanted. For a time,” pag-amin ni Martin.
“But here’s the worst part, and I’m sure Pops will agree. Every time we thought we had a chance for each other, we didn’t tell the person. I never told her, I never made it obvious that this was what I wanted. I mean, during the beginning part, yes.

“’Yung mga kneeling down, and crying, all of those things don’t work. When a woman is scorned, gentlemen watching, do not immediately drop to your knees and ask her back. It’s not gonna work. You need time, lots of time.

“And then, after the lots of time, you become friends. Coz we were friends. Our foundation is friendship. I think, that’s why we can do things like this,” ani Martin.

Aminado rin naman si Pops na nagkaroon din naman ng time na naisip niyang makipag-reconcile with Martin pero hindi raw talaga nag-swak ang timing.

“I think, ang nangyari is, when he wanted to come back, hindi ako ready. Nun’g feeling ko, baka naman pwede, siya naman ang hindi na pwede,” sabi ni Pops.

Dagdag ni Martin, “all wrong timing. And I think, there’s a reason for that.”

Sa ngayon daw ay masaya sila kung ano sila ngayon at tanggap na nila kung talagang hanggang magkaibigan lang talaga ang nakatadhana sa kanila.

Ayon kay Martin, if ever nga na mag-aasawang muli si Pops ay willing siyang ihatid pa ito sa altar since wala na nga ang ama nitong si Eddie Fernandez. Basta ang gusto raw niya ay makitang masaya ang dating asawa.

Super push na magbalik ang Concert Queen

Pagkatapos ng maraming unos at bagyo na dumating sa relasyon nina Pops at Martin (the biggest one was their separation in 1996 followed by the annulment of their marriage in 2000), ngayon ay masasabi nila pareho na magkaibigan talaga sila in the truest sense of the word. After all, nagsimula naman talaga sila sa friendship bago pa man sila naging mag-asawa.

“Ang dami na naming napagdaanan,” said Pops at the presscon for their upcoming Valentine concert series, ‘Twogether Again,’ “lahat na yata ng emosyon, napagdaanan, lalo na ako, napagdaanan ko na lahat.

“Na finally, when. . .of course, it’s true, time heals all wounds, and especially when – on my part, anyway – pag naka-recover ka na from all of those emotions, you really just wanna keep bettering yourself and moving on.

“Even if you wanna look back, and sometimes you do remember – you never forget, that’s the problem – but when you do remember, now what I do is, I really only try to remember the good stuff, you know. I try to learn from the past, of course, the not-so-good stuff.

“But it’s really better to just move on na talaga and really wake up na alam mong wala kang problem. Meron tayong problems every day, of course, but those are new problems that we have to deal with, di ba?”

Ayon naman kay Martin, kahit hiwalay na sila, nakita niya pa rin how Pops grew as a person and as a woman.

“We see each other grow. During the time that she speaks of the bad times, siyempre, being the cause of the bad times, it’s very hard for me to comment on how the recuperation ceremony happened.

“But for Pops, seeing her grow through Instagram and through Facebook and all the other social media, I see that she’s grown as a person, as a woman, as she talks about her happiness, her bitterness, and now she’s a producer.

“She produces, she puts shows together, she’s behind the scene, not just in front, but I think, the reason why I’m performing with her again is because I wanted to be a part of the “restart” of Pops Fernandez.”

Dagdag pa ni Martin ay gusto niyang maging bahagi ng muling pagbabalik ni Pops sa stage na medyo matagal-tagal ding naisantabi ng tinaguriang Concert Queen.

“I wanted her to perform again. I think, the fans need to see the Concert Queen perform again. I wanted to be that person, to be there on the first day of her first singing career again,” sey pa ni Martin.

After so many years (10 years to be exact) kasi ay muling nagsama sina Pops and Martin in one concert at muling binuhay ang kanilang loveteam (sa musika) na matagal ding na-miss ng kanilang tagahanga.

Nagsimula ang Twogether Again sa US concert tour last year at naging isang malaki itong tagumpay. They performed in 8 cities at talaga namang na-touch sila sa kanilang mga fans na dumayo talaga sa mga lugar kung saan sila nag-concert para makita sila.

Kung paano sila dumating sa desisyong magsamang muli sa isang concert, ayon kay Pops, isang araw daw ay bigla na lang nilang naisip na mag-concert tour muna.

“The tour happened first because warm-up ‘yun, we wanted to see if of course, we can still perform together, if the chemistry is still there. Not that we used our kababayans in America as a gauge no? No naman.

“But it just so happened na mas nauna talaga sila do’n, and we were happily surprised and overwhelmed to see the reactions of course of our Kababayans in the US.

“They were very excited to watch us, no matter which city we were in, so we decided to bring it naman here in Manila,” saad ni Pops na isa sa producers ng concert.

Gaganapin ang Twogether Again sa The Theatre at Solaire on Feb. 14, 15, 17, 18, 19, 20 and 21 produced by Starmedia Entertainment, DSL Events and Production House.

Tickets are now available at all Ticketworld outlets

Nievera nagselos sa lalaki ni Pipay

Sa presscon ay natanong sina Pops and Martin kung may natitira pa ba silang pagmamahal sa isa’t isa at okay ba kay Martin kung ma-involve si Pops with another guy. Will he be jealous?

“At this point, probably, ‘yung selos, secret lang. I mean, sa akin lang ‘yun because nothing is wrong. But more than selos, I will be very concerned, it sounds weird, but like a father to her daughter, that kind of. . .’teka muna, ano bang intension ng lalaki?’ Parang ganu’n. And that’s where I think we are.

“I want her to be happy, Well, I don’t think there’s any guy out there that deserves this kind of woman,” sabi ni Martin.

Dagdag pa niya, masyado raw mataas ang standards niya sa lalaklng mapapangasawang muli ni Pops.

“There’s a little jealousy, sure, because I wanted to make sure, “he should be better looking than me, what happened there?’” sey pa ng Concert King.

Seriously, aniya ay gusto raw niyang maging masaya si Pops. At kung hindi man daw niya naibigay ang kaligayahan nito which she truly deserves, “then, maybe, she’ll find it with someone else, and if she does, I wanna make sure that he’s a quality guy inside and out,” he said.

Hindi lang daw kailangang malaking wallet kungdi malaki rin ang puso ng guy.

As for Pops, aniya, siya rin naman daw ay ganu’n din kay Martin.

Nanuntok sa sexy dance

Aminado naman si Martin na talagang napaka-seloso niya at napakarami nga raw niyang furnitures na nasira sa kaseselos niya.

“There was one time, sa Penthouse Live (ang first show nina Pops and Martin kung saan nagsimula ang loveteam at ang kanilang pag-iibigan), magda-dance siya ng Smooth Operator, that’s why I hate that song. To this day, I hate that song because she did a sexy dance.”

Nagpoprotesta si Pops na hindi naman daw sexy dance iyon at naka-pajama nga raw siya.

“But it wasn’t supposed to be pajama, it was supposed to be something sexier. Dahil nakikialam si Martin, nagiging pajama,” kwento ni Martin.

“Tapos pajamas na walang medyas. Sinuntok ko ‘yung set ng Penthouse Live,” kwento pa ni Martin na pinatotohanan naman ni Pops.

Nagalit daw sa kanya ang choreographer nila at sinigawan siyang “what’s wrong with you? It’s just an art!”

That moment ay tinanong ni Pops si Martin kung ganun’n pa rin ba siya kaseloso at sagot naman nito ay hindi na raw.

“Not anymore. I’ve learned now that it’s really part of the business. I’ve seen you in so many movies, you don’t even know I’ve watched all your movies, all your love scenes…”

Sabi ni Pops, “I’m not talking about me” at sagot naman ni Martin, “I’m talking about you.”

Kontra ni Pops, wala naman daw siyang love scenes at puro daya lang naman ‘yun.

Pinaalala ni Martin ‘yung mga rolling in the beach na eksena ni Pops, pati na ‘yung pelikulang Videoke King with Robin Padilla na hinalikan daw ni Binoe ang paa ni Pops.

Tawa naman nang tawa si Pops at hindi na raw niya maalala.

At dahil nga hiwalay na sila nu’n, ani Martin ay wala na raw siyang magagawa. Ang ginawa na lang daw niya ay inulit niya nang inulit ang mga eksena ni Pops para masanay siya.