Abante Tonite Interactive

Martin, Kiko nag-eskrimahan

By
1,178

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioMay mga pralala na ang Born Beautiful, ang pelikula ni Martin del Rosario na balak isumite bilang finished film sa MMFF 2018 na ang huling araw ay mangyayari sa September 21.

Ultraelectromagne­tic successful ang nauna ritong pelikula, ang Die Beautiful, na hindi lang naging box-office hit at critics darling naging best actress, este best actor pa ang the Other Queen P, Paolo Ballesteros hindi lang sa Pilipinas, maging sa mga international film festivals pa man din.

Ang tagumpay ni Paolo sa Die Beautiful ang dahilan kung bakit marami ang nanalig na siya ang Millennial Diwatang Vilma Santos at ang kanyang ka-versus, ang Millennial Sirenang Nora Aunor, si Vice Ganda.

Sa true lang, finished­ film dapat ang pinagpipilian para makasali sa MMFF at hindi finished script. Kaya nga ‘pag itong sequel na ito ay hindi pumasa sa nagkukunyaring pihikang panlasa ng mga member of the MMFF selection committee, ang diva that you love, look na lang sa sky with matching pagdadabog ng bangs.

Ang nakakalurkring sa Born Beautiful, may intriga na agad na ipinupukol sa pelikula. May chikang ang mga bida rito, si Martin at ang leading man niyang si Kiko Matos, mananalig ba tayo sa isang balitang bulag na ngayon ay pina­ngalanan na kesyo itong sina Martin at Matos, may love scene at dahil sobra silang in character at apoy na tunay na nakakapaso ang pagkadarang, ang dalawang lalaki umano’y nag-eskrimahan?

Kagimbal-gimbal! Kahambal-hambal! Kawindang-windang! PR creativity at its most creative, at its highest talaga ang le­veling, pang Sean Cody. com na talaga! Hahahahaha!

Bakit nga ba hindi malupig ang mga tsikang may chance na maging maricon itong si Martin? Lalaking-lalaki naman siya. Atapang, atao pa nga. Hindi ba’t inamin niya dati na sa kanya ang mahaba, tisoy at bulbuling ari-arian dati sa isang larawang kupas?

Knowing Kiko Matos, cool lang siya sa chika, at dahil likas na mapaglaro at maharot ito, may chance na sakyan o gatungan niya pa ang chikang likha ng mga taga-dako pa roon.

At si Martin, ano nga kaya ang opisyal niyang reaksyon rito? At makakatulong ba talaga ang ganitong mga alingasngas para sa Born Beautiful?

 

KaladKaren mas maingay ang 6th anniversary kesa sa TOFARM

 

Parang mas mausisa at mas humahanga pa ako sa anim na taong pakikipag-relasyon ni KaladKaren Davila sa kanyang British boyfriend kesa sa anim na pelikulang kasali ngayon sa 3rd TOFARM Film Festival, huh! Hahahahaha!

Sa kanilang ikaa­nim taon bilang magsing-irog na buhay na patotoong ang long distance relationship ay puwedeng-puwedeng pagtagumpayan, ang kanyang IG message, “Six wonderful years (heart emojis) Happy 6th Anniversary, my love!Thank you for reminding me every day that I deserve to be loved for all of who I am. #LoveWins.”

Si KaladKaren na ang totoong panga­lan ay Jervi Li ay out, proud and happy transgender wo­man. Kamakailan, ibinahagi niya ang larawan nilang magkasintahan na kuha sa Bridge of Sighs, na matatagpuan sa Oxford, England, ang place of residence ng kanyang partner.

Marami ang maligaya at pinukaw ang mga damdamin dahil ibinabahagi ni Jervi ang kakaibang pagmamahalang pinagsasaluhan.

Eh kamusta naman ang anim na pelikulang palabas sa kasalukuyan? Ang balana, dabarkads at madlang pipol pukaw na pukaw ang damdamin at maligaya sa mga TOFARM Film Festival offerings.

Isang ngang nagmamataray na obserbasyon mula sa isang transwoman actress friend na singalindog ni Li, “Para di mai­ngay now ang tofarm kapatid…” at isa pang hanash, “Ay, wait, may ToFarm Film Fest pa raw this September.

Meron bang nakakaramdam?”

Congrats kay KaladKaren! Ang diva that you love dasal na pang-magpakailanman na ang inyong pagmamahalan!