Abante Tonite Interactive

Martin malaki ang sampalataya sa tabloids

By
5,375

AKSIDENTE lang ang pagkikita namin ni Martin Nievera sa Rockwell, Makati City noong isang gabi at nagyaya na siyang mag-dinner kasama ang manager niyang si Joy Alonzo.

Over dinner, naikuwento ko ang tungkol sa 29th anniversary ng Abante TONITE next week. Humanga si Martin sa tagal na ng tabloid na ito.

“You see, hindi talaga mawawala ang tabloids,” sabi ni Martin kay Joy.

Naalala nga ni Martin noong araw kapag nasa daan sila at may mga nagbebenta ng tabloids habang traffic. Talagang sinisilip-silip daw niya ang headlines ng mga tabloid at baka nandoon siya.

May nakita nga raw siya na isang headline kung saan ay kasali siya sa pagpipilian tungkol sa isang singer na nakatakdang maging unwed father. That time kasi, may tsikang nakabuntis ang isang sikat na singer.

Anyway, isa si Martin sa mga taga-showbiz na naniniwalang malaki pa rin ang naitutulong ng tabloids at broadsheets sa mga proyekto nila. Tuwing may concert si Martin, natutuwa siya kapag may pa-presscon ang kanyang mga producer.

Type rin ni Martin ang pakikipag-bonding sa entertainment press. Sa #paMORE February 10 pre-Valentine concert nila nina Ogie Alcasid, Erik Santos at Regine Velasquez-Alcasid, natutuwa si Martin kapag nababasa niya sa tabloids at broadsheets ang publicity no’n.