Martin-Maricel movie naudlot

627

Ayon kay Martin Nievera, hindi na matutuloy ang pelikulang gagawin niya with Maricel Soriano mula sa Regal Films, na magsisilbing reunion movie sana nila ng Diamond Star. Hindi raw kasi kakayanin ng schedule ni Maricel ang gumawa ng pelikula.

“Hindi natuloy. I think Maricel get busy with her teleserye (The General’s Daughter). So I guess ‘pag may break ‘yung tele­serye, du’n na tayo magsu-shooting,”sabi ni Martin.

Nanghihinayang ba siya na hindi natuloy ang movie nila ni Maricel?
“Hindi naman,”sagot ni Martin.

“I understand that she’s very busy. Ako rin, busy rin ako. But I was so flattered na mayroon talagang role, na love interest with Maria. Excuse me! May bedroom scene pa. As in, dumaan kami ng bedroom, ‘yun lang,” biro pa ni Martin.

Pero nami-miss niya ba ang pag-arte?
“Not really. Nobody likes my actin­g, eh,” natatawang sagot ni Martin.
“Aminado ako, noon pa. I think I’m the one who ruined the movie industry, eh. So the more I stay away from the movies, tataas nang tataas ang movie ano… ang life ng movie,” tawa na naman ni Martin.

Samantala, may cameo role si Martin sa pelikulang “Feelennial” na bida sina Ai Ai delas Alas at Ba­yani Agbayani. Hindi siya tumanggap ng talent fee rito, dahil ang kumuha sa kanya ay ang dating misis na si Pops Fernandez, na isa sa producer ng nasabing pelikula.

“If I charge, it would be even worse for me, I think. Hindi na ako i-invite sa Christmas dinner kung ganoon, kung sumingil ako. I did not make singil,” natatawa na namang sabi ni Martin.

Showing na ngayon ang “Feelennial” mula sa joint venture ng Cignal Entertainment at DSL Productions at sa direksyon ni Rechie del Carmen. (Rommel Placente)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...