Abante Tonite Interactive

Martin nag-iilusyong maging host ng CNN

By
0 743

Enjoy ang Concert King na si Martin Nievera sa kanyang bagong show na “LSS with Martin Nievera” na mapapanood sa ANC Channel.

Kakaiba ang format ng show dahil hindi ito tungkol sa showbiz.

Sa naturang show, hindi lang mga rich and famous ang kanyang nakakakadaupang-palad pati ang mga who’s who sa business community at mga tinitingalang tao sa iba’t ibang larangan.

Nakikipagtsikahan siya sa mga tulad nina George Yang ng sikat na fast food chain at iba pang kilalang businessman at entrepreneur.

Nakilala ang galing ni Martin bilang host nang mag-host siya noon sa “Penthouse Live”, “Martin after Dark” at ilang pang talk shows.

Pero, kung may isang bagay na pina­ngarap ni Martin, ito ay magkaroon siya ng talk show sa CNN.