Abante Tonite Interactive

Martin papasiklab sa FIBA World Cup

0 320

Muling nagpahayag ng masidhing pagnanais na makapagsuot ng Gilas Pilipinas jersey si 20-year-old Arizona State University guard Remy Martin para sa 18th International Basketball Federation World Cup 2019 sa Agosto 30-Sept. 16 sa China.

Ito ay sa pamamagitan ng pag-post ng player sa kanyang Instagram account ng katawan na nakasuot ng jacket na may disenyo ng watawat ng bansa.

“Ready whenever,” saad ng proud Pinoy sa kanyang caption karugtong ng isang Philippine flag at telephone emoji.

Abante Hiring – IT dep

Magugunitang pinangalananan na si Martin noong nakaraang taon ni former national men’s basketball team coach Vincent Reyes bilang parte ng ’23 for 23’ pool para sa 19th FIBA World Cup 2023 na iho-host ng bansa. (Myris Lee)