Abante Tonite Interactive

Martin tiniis ang pag-ipit ng ari

By
0 5,411

Tawa nang tawa si Martin del Rosario nang mapag-usapan namin ang ginawa niyang pag-iipit sa kanyang ari sa pagganap niya sa gay role na Barbs sa pinagbibidahan niyang Cignal Entertainment series na Born Beautiful produced by The IdeaFirst Company at directed by Jun Robles Lana and Perci Intalan.

Ang Born Beautiful ay spin-off ng award-winning at hit movie ng IdeaFirst na Die Beautiful.

“Masakit! Kasi minsan sumisilip sa gilid,” sabay tawa ni Martin. “Kasi bukod doon sa pampapuwet, may ipinapatong pa na mga lampin-lampin para sa balakang, hindi ko alam ang tawag e. At saka kailangan nakababa ‘yung ano mo, kasi ‘yung mga suot kong shorts ‘yung babakat ‘yung ano ko. Lahat ng suot ko masikip, tapos pag-take na kailangan cross legs ka, so ipit na ipit. Kaya ‘pag walang take pwede kang bumukaka para makahinga siya.”

Mabuti na lang hindi raw pasaway ang alaga niya kaya maayos niyang nairaraos ang mga eksena niya kahit pa ang mga daring scenes sa naturang cable TV series. Nagkaroon siya rito ng rape scene, halikan, at love scene sa kapwa lalaki na malaking challenge sa kanya.

“First time ko makipaghalikan at makipag-love scene sa lalaki, kaya ang dami kong firsts dito sa Born Beautiful.”

Dalawa ang leading men ni Martin sa ‘Born Beautiful’, si Akihiro Blanco at si Kiko Matos. May kissing scene siya kay Akihiro, at may love scene naman kay Kiko.