Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Martinez hihimayin Olympian bill

0 54

Bibisita si Deputy Hose Speaker Eric Martinez sa Philippine Sportswriters Association online Forum ngayong Martes para himayin ang inihain niyang bill sa Kongreso hinggil sa Philippine Sports.

Base sa panukala ng mambabatas na kumakatawan sa 2nd District ng Valenzuela City, planong itatag ang Philippine Olympian Memorial bilang parangal sa Filipino Olympians na nakilala sa kani-kanilang larangan sa sport.

Sariwa pa ang gold medal win ni weightlifter Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics, kauna-unahang top podium finish ng Pilipinas sa Games.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bukod sa gold ni Diaz, sumikwat din medalya sina boxers Nesthy Petecio (silver), Carlo Paalam (silver) at Eumir Marcial (bronze).

Magsisimula ng 10 a.m. ang public sports program na mga hatid ng San Miguel Corp., MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant at PAGCOR.

Kasama ng webcast partner Upstream Media, naka-livestream ang Forum sa fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at Radyo Pilipinas 2 Facebook page. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.