Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Martinez nasungkit ang ‘landslide victory’

0 47

GAYA ng inaasahan, madaling naidispatsa ni Deputy Speaker and reelectionist Valenzuela City 2nd Dist. Rep. Eric Martinez ang kanyang nakatunggali matapos na makakuha ng napakalaking bilang ng boto sa official canvassing kasunod ng idinaos na May 2022 national and local elections.

Base sa official tally ng Valenzuela City Board of Canvassers, Martinez, na tumakbo para sa kanyang ikatlo at huling termino, ay nakapagtala ng 132,241 votes, habang ang kalabang si Magtanggol Gunigundo ay mayroon lamang 50,599 boto.

Kaya naman makaraang matipon at mabilang ang lahat ng election returns at magawa ang Certificate of Canvass, pormal na iprinoklama ng Comelec City Board of Canvassers si Martinez bilang opisyal na nanalo sa posisyon ng second congressional district ng Valenzuela City bandang alas-4:00 ng umaga ng Mayo 10 o siyam na oraa lamang ang nakalipas makaraang isara ang lahat polling precincts para sa pagboto ng lahat ng registered voters.

Makaraang tanggapin ni Martinez official copy ng certificate of canvass at pormal na pagproklama sa kanya ay agad siyang nagpahayag ng kanyang lubos at tauspusong pasasalamat, una sa Panginoong Diyos, sunod sa mga mamamayan ng second district of Valenzuela City, gayundin sa kanyang local political party mates sa kanyang naging panalo.

Sinabi ni Martinez na talaga masarap sa pakiramdam niya na malamang kinikilala at sinuklian ng kanyang constituents ang lahat ng kanyang pagsusumikap na makapaghatid ng mga makabuluhan at kapakipakinabang ng proyekto at programa at ang nakuha niyang landslide victory ang siyang konkretong katibayan nito.

“Maraming salamat po sa inyong lahat. Makatitiyak kayo na ako ay patuloy na epektibong maglilingkod. Dahil nga ang inyong Congressman Eric Martinez ay ‘never stop’ sa public service. Muli, salamat sa Panginoon sa ibinigay Niya sa atin na tagumpay na ito… salamat sa inyo,” pahayag pa ni Martinez.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Gayundin, naniniwala ang high ranking House official na ang nakuha niyang tagumpay ay resulta ng mga suportang tinanggap niya, pangunahin na dito ang pagbasbas ni Presidente Rodrigo Roa Duterte’s sa kanyang reelection run, kasama rin ang endorsement ng Iglesia Ni Cristo (INC) backing, ang pagiging suporter ng Bongbong-Sara Unity tandem at ang matagal niyang alyansa sa local political group, ang Team Red ng mga Gatchalian.

Bukod sa malaking panalo ni Martinez, ang grupo ni third-termer Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, na tumakbo na walang kalaban sa first district congressional seat ng lungsod, ay nakapagtala rin ng higanteng tagumpay laban sa mga humamon sa kanila.

Si incumbent Valenzuela City 1st Dist. Rep. Wes Gatchalian, na makikipagpalit ng puwesto sa nakababata niyang kapatid na si curret Mayor Rex Gatchalian, kasamang ang runningmate, vice-mayoral bet Lorie Natividad-Borja, ay nilampaso ang kanilang kalaban. Habang ang ticket nila para sa first and second district councilor seats ay panalong lahat kung kaya nakapagposte rin ng 16-0 win.

Samantala, binigyan-diin ni Martinez na ngayon naisagawa na ang official proclamation ng kanilang panalo, ang kanilang Team Red ay balik na rin sa trabaho at pagseserbisyo sa mga Valenzuelano dahil marami pa ang dapat gawin lalo’t nananatili ang banta ng Covid-19 pandemic.

Kaya naman sa susunod na mga araw ay nakatakdang pangunahan ni Martinez groundbreaking ceremony para sa expansion project ng Valenzuela City Hospital, na magbibigay-daan para maitaas kapasidad nito sa 500-bed patients.

Leave A Reply

Your email address will not be published.