Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Martinez tutulungan ni Cheng

0 242

Tumugon agad ang Philippine Skating Union (PHSU) at ang pangulo nito na si Dyan ‘Nikki’ Cheng sa panawagang $50K (P2.4M) fundraising campaign na tinawag na “Michael Martinez: Road to 2022 Winter Olympics” ni two-time Winter Olympic figure skater Michael Christian Martinez.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon Martes sa opisyal, nakikipag-ugnayan na siya sa 24-anyos, 5-9 ang taas at kasalukuyang nagti-training sa US na atleta para makaayuda pagkaraang magpasaklolo ito sa mga kinauukulan nitong Linggo gamit ang kanyang social media account.

Gayunman, hinirit ni Cheng na hindi maipagkakaloob ng Union ang buong kahilingan ni Martinez dahil sa aniya’y may lima pang mga manlalaro ang susuprtahan din na gaya ng beteranong atleta’y plano ring ma-qualify sa 24th Winter Olympic Games 2022 sa Beijing, China. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.