Abante Tonite Interactive

Marupok sa babae Janella forever ni Joshua

735

Inamin ni Joshua Garcia na marupok siya pagdating sa pag-ibig.

Bagamat busy siya sa kanyang mga proyekto hindi pa rin niya sinasara ang puso kung sakaling makahanap ng taong magpapasaya sa kanya.

Aniya,” “Kasi siyempre hindi mo masabi ‘yung tatakbuhin ng taon sa akin. Malay mo may makilala akong magpapasaya sa akin.”

Pag-amin niya pa, “Open naman kasi ako sa kung anong pumasok. Kasi ayoko ring magsalita ng tapos, alam mo naman ako . . marupok.”

Iisang tao lang naman ang nali-link sa kanya ngayon. Ito’y ang kanyang katambal sa nagtapos na serye na “The Killer Bride” na si Janella Salvador. Marami na ang nagbubuyo sa dalawa dahil sa kinakitaang chemistry.

Pero mukhang hanggang sa proyekto na lamang sila magpakilig. Alam naman ng lahat ang rumored relationship ni Janella kay Markus Paterson.

Hirit naman ni Joshua:“Happy naman ako kung anong meron sila and happy rin naman ako kung anong meron kami ni Janella. At least yung sa amin … ‘yung friendship namin forever ‘yon.” (Rona Ronda)