Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marvin lasap ang sarap kay Jolina

0 108

NI: ARCHIE LIAO

Matagal nang hinihiritan ng MarJo fans sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal na magtambal sa isang proyekto.

Marami na kasing faney ang nakaka-miss nang kanilang tambalan na sumikat noong dekada 90 .

Huling teleserye namang ginawa sa ABS-CBN ang “FlordeLiza.”

May napabalitang may gagawin sana silang teleserye noong pre-pandemic years pero sa kung anong kadahilanan ay hindi ito natuloy.

Lately, muli na namang pinakilig ng dalawa ang kanilang mga faney sa kanilang Instagram post.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagbigay sila ng mensahe sa isa’t-isa sa kanilang collaboration sa isang bagong proyekto .Ipinakita nila ang kanilang galing sa pagluluto.

“Labtim and I cooked together! Finally nagkita kami after a long time,” caption ng aktor.

Tila lasap ni Marvin ang sarap ng luto nila ni Jolina.Kahit sa photo nila ay napapapikit siya.

“At talagang napapikit ka pa ha.. Laaaaabbbtttiiiiiim!!!! So nice to see you!!! At this time cooking naman. Ang saya!!! May bago ako natutunan.🦀 at sobrang kulang ang time sa kwentuhan. O basta ha.. alam mo ang secret sa plating,” sey ni Jolina.

Magkasama ang dalawa sa isang episode ng web series na Singapore Reimagined.Layuning ipakita ang kultura at mga katakam-takam na pagkain ng nasabing bansa sa Asya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.