Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marvin, Markki pinaglaruan sa kama

0 1,892

NI: ARCHIE LIAO

Viral ngayon ang kumalat na larawan umano nina Marvin Agustin at Markki Stroem.

Umagaw ito ng atensyon dahil sa magkatabi ang dalawa sa isang kama.

Pero may mga nagtatanggol at nagsasabing edited ang nasabing photo ng dalawa.

Matatandaang dati nang iniintriga ang friendship nina Marvin at Markki .

Sa kaso ni Stroem, aminado siyang nagkakasama sila ni Marvin, pero nilinaw niya na iyon ay dahil close friend niya at business partner ang huli.

“He’s my friend, we do business together, so we’ve been working together for a while,” esplika niya.

Ganoon din naman si Marvin, hindi niya itinatago na kaibigan niya si Markki.

Anyway, si Markki ang pinakabagong Pinoy male celebrity na join na rin sa BL serye.

Walang siyang takot nakipaglaplapan sa isang indie actor.

Wala rin siyang takot na nagpakita ng puwet tulad ng ginawa niya noon sa Cinemalaya movie na “Amor y Muerte”.

Leave A Reply

Your email address will not be published.