Abante Tonite Interactive

Marvin nabaliw maging tambay

0 803

NI: Archie Liao

Naninibago ang businessman at actor na si Marvin Agustin dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Aminado rin kasi siyang hindi lang ang kanyang trabaho bilang actor at negosyante ang apektado ng state of calamity sa bansa.

Dahil concerned din siya sa kanyang mga empleyado at bilang pagtalima sa utos ng pamahalaan, sarado rin ang kanyang chain of restaurants.

Gayunpaman, hindi ito dahilan para hindi siya makapag-ambag ng tulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga frontliners gamit ang kanyang skills sa restaurant management.

Kamakailan, pinuri ng netizens ang kanyang pakikipag-alyansa sa mga cooks at chef volunteers sa paghahanda ng pagkain para sa mga health workers na abala sa pag-asikaso sa CoVid patients.

Recently, marami rin ang nag-alala sa kanyang kalusugan nang mag-post siya na sa loob ng ilang araw ay hindi bumababa ang kanyang lagnat.

Sa huli niyang post, nagpasalamat naman siya sa concern ng mga kaibigan at netizens sa kanyang kalagayan dahil lately, nakaramdam na siya ng relief na wala na siyang flu.

Nag-iingat na lang siya at kasalukuyang on home quarantine.

Dahil kilalang workaholic, hindi naman niya ikinaila na hindi siya sanay maging tambay.

“Ngayong quarantine, narealize ko na mahirap pala ang ginagawa ng mga tambay… nakakabaliw… RESPECT!,” emote niya.

Hirit pa niya, halos naubusan na siya ng panaginip sa pamamahinga at pag-stay sa bahay.