Abante Tonite Interactive

Mary Jane Veloso nanganganib

By
9

Nababahala si OFW Partylist Rep. John Bertiz sa kasasapitan ni death row convict Mary Jane Veloso kasunod ng naging desisyon ng Court of Appeals na pumi­gil na makunan ito ng statement sa Indonesia na magpapatunay na biktima lamang siya ng drug trafficking.

Ayon kay Bertiz umaasa siyang lalong tutukan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kaso ni Veloso matapos ang hindi paborableng desisyon ng CA.

Matatandaang pinagbigyan ng CA 11th Division ang petisyon ng tinuturong trafficker ni Veloso na ­sina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao na pigilan ang Nueva Ecija Court na magpadala ng prosecutor na kukuha ng statement ni Veloso sa Indonesia na magdidiin naman sa dalawa.

Abante Hiring – IT dep

Giit ng mga petitioner malalabag ang kanilang constitutional rights na makompronta ang ­nag-aakusa sa kanila kung papayagan lamang si Veloso na magbigay ng statement.