Abante Tonite Interactive

Mas ayos ang maneho kung hindi talahib ang dokumento

0 245

AYOS BA?

CARLITO EVANGLELISTA

Ang ganda ng feeling na naka-jackpot ka sa nabili mong segunda-manong sasakyan, lalo na kung doble jackpot, ‘yung tipo bang sa mas mababang halaga mo na nga nabili ay sobrang sariwa siya at parang brand new imaneho.

Abante Hiring – IT dep

Pinagkaiba lang ng brand new at segunda mano, sa brand new, ang casa na ang mag-aayos ng dokumento at sila na ang magpaparehistro, sa segunda mano, sariling sikap ka sa paglalakad sa mga ito kadalasan.

Related Posts

Walang problema sa kondisyon kaya ang iisipin mo na lang ay kung paano mailipat ang pangalan nito sa iyo, o sa inyong mag-asawa o kaya sa pa­ngalan na gusto mong lumabas sa papeles na bagong may-ari.

May mga pagkakataong sa ganitong aspeto na nagkakaproblema ang mga naka-jackpot sa pagbili nila ng segunda manong sasakyan kaya imbes na maging kampante sa kalye ay nagi­ging nerbiyoso lalo na kapag nakakasabay ng mobile patrol ng Highway Patrol Group (HPG) ng PNP at Land Transportation Office (LTO).

Pero madali lang naman na magpalipat ng pangalan ng rehistro ng sasakyan kung kumpleto ang mga dokumento mo mula sa dating may-ari ng sasakyan.
At para naman doon sa mga naging sobrang excited na makuha ang sasakyan na hindi na naisip kung ano ang mga dokumentong kailangan para mailipat ang pangalan nito ay gumawa na ako ng paraan upang mabigyan kayo ng impormasyon.

Kapag nasa inyo lahat ng mga dokumentong hinihingi base sa screenshot sa baba ay siguradong sipol na kayo sa mga susunod na araw sa inyong pagmamaneho, may kasabay man na HPG at LTO sa kalye o wala.

Pakakatandaan na bukod sa maayos na kondisyon ng sasakyan, mas relaks ang pagmamaneho kung hindi talahib ang mga dokumentong hawak mo bilang katibayan na ito ay ligal na nakapangalan sa inyo. Ayos ba?