Abante Tonite Interactive

Mas feel mag-masturbate kaysa makipag-sex

1,124

Dear Dra. Holmes:
Pls help me at my age of 42, hindi ko maiwasan ang masturbation at mas gusto ko gawin ito kaysa pakiki­pagtalik ng actual.
Ruben

Dear Ruben:
Maraming salamat sa iyong sulat. Una, ang pagma-masturbate ay natural lang sa tao, kahit anong edad ka. At minsan rin, mas natural at mas katanggap-tanggap (acceptable) ang mag-masturbate kaysa magsiping sa isang babae na wala kang gana sipingan.

Ang kutob ko sa sulat mo ay mayroon kang partner ngayon? Totoo ba ito, Ruben? Okay lang kung mali ako. Pero, kung may partner ka ngayon, ano ang kalidad ng inyong relasyon? Nagmamahalan ba kayo? Kasing halaga rito ay… may pagnanasa ka ba sa kanya? Kasi maraming beses rin nangyayari na mayroon tayong pagmamahal para sa partner natin pero nawala ang pagnanasa.

Okay lang kung ganu’n ang situwasyon basta pareho kayong nawalan ng pagnanasa, lalo na kung sa parehong oras. Kasi sa ganyang paraan, hindi masyadong masakit. Kung ‘yun ang nangyari—na pareho kayong nawalan ng pagnanasa—wala sa inyo ang makakaranas ng pag-alok sa inyong partner at pagtanggi niya sa iyo.

MG Holmes
***
Si Dra Holmes ay nagsusulat sa TONITE sa Sabado. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes at panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite Facebook tuwing Huwebes, 7:00 pm.