Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mas mahaba ang kanan sa kaliwa

0 115

Lahat tayo ay pantay pantay. Equality ang tawag dito. Kung ihahalintulad sa mga bagay, symmetry naman ang tawag dito. Sa pagkakataong ito, may panahon na hindi napapansin ang pagkalihis o di pagkapantay ng mga bagay lalo na kung hindi naman kalakihan ang pinagkaiba. Ngunit kung talagang malayo ang pagkakaiba, magiging kapansin pansin ang kaibahan. Isa na sa napapansin ay ang haba ng mga biyas, maging braso at kamay o upper extremities o paa, binti at tuhod o lower extremities man ang mga ito. Ito ang tinatawag na limb length discrepancy disease o talagang may pagkakaiba ang haba ng isa sa isa.

Kadalasan nagmumula ang limb length discrepancy sa pagkapanganak pa lamang. Congenital ang tawag dito. Kabilang dito ang mga sumusunod: fibular o tibial hemimelia, congenital femoral deficiency, hemihypertrophy o limb hyposplasias. Kung minsan naman ay nakukuha o acquired gaya ng aksidente o impeksyon sa kasukasuan na naapektuhan ang growth plate, o di kaya may tumor na tumutubo dito. Tunay na magkaiba ang sukat ng kaliwa sa kanan.

Ngunit, may pagkakataon na hindi naman tunay na magkaiba ang haba. Kapag sinukat ang mga ito ay pantay naman. Sa pagkakataong ito, wala sa mga biyas ang problema kundi sa spinal column. Ang kadalasan na dahilan ay scoliosis kung kaya ang hindi pagkakapantay ay galing sa pagkalang ng balikat, o di kaya, ng balakang, kaya nagmimistulang mahaba ang isang biyas kung ikukumpara sa kabila. Ito ang apparent limb length discrepancy, dahil hindi naman totoong may pagkakaiba ang haba ng mga biyas. Madalas din nakikita ito sa mga nagbibinata o nagdadalaga kaya ito ay ang idiopathic adolescent scolosis.

Ang treatment sa dalawa ay halos pareho sa pamamagitan ng pag remedyo sa sapatos o paglalagay ng shoe lifts, prosthesis at iba pang pamamaraan para pumantay talaga. Kabilang ang pagopera. Magiiba lang ang gagawin dahil maaaring kailanganing pahabain o paikliin ang apektadong lugar. Kung tunay na discrepancay ang problema maaaring gawin ang stapling, resection, o fixation. Kung scoliosis naman, sa spine ang lugar na ooperahan.

Related Posts

Ang mahalaga, kailangan malaman ang tunay na dahilan at kung talaga bang may pagkakaiba ang haba ng mga biyas. Maliban sa history and physical exam, maaaring makita ang mga ito sa pamamagitan ng mga xrays. Ang importante, lalong lalo na sa mga naguumpisang maging teenager, dahil dito nangyayari ang secondary growth spurt (ang una ay mula pagka sanggol), ay obserbahan sila ng mabuti. Mas maganda maipatingin sa doktor at makuhanan ng x-ray para mamonitor ng mabuti.

Hanggang sa susunod ! Keep healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.