Abante Tonite Interactive

Mas malakas na anti-terror law ilulusot ng Senado

154

Ngayong nagdesisyon na si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na niya palalawigin ang Martial Law sa Mindanao, tiniyak naman ni Senate Pre­sident Vicente ‘Tito’ Sotto III na kanilang ipapasa sa Senado ang panukalang batas na magbibigay sa gobyerno ng dagdag na ngipin laban sa mga te­rorista.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1083 na mag-aamyenda sa Human Security Act of 2007, mula sa kasalukuyang tatlong araw ay maaari nang ikulong ang mga pinaghihinalaang terorista ng hanggang 14 na araw kahit walang kaso.

Maaari ring isailalim sa surveillance ng militar at pulisya sa loob ng 60 hanggang 90 araw ang pinaghihinalaang terorista pero dapat may pahintulot ito ng korte.

Sinang-ayunan naman ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang desisyon ni Pangulong Duterte na tapusin na ang martial law sa Mindanao. (Dindo Matining)