Abante Tonite Interactive

Mas malaking plaka ng motorsiklo batas na

255

Isa nang ganap na batas ang panukala na ga­wing mas malaki ang plate number para sa mga motorsiklo.

Ito ay matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11235 o ang ‘Motorcycle Prevention Act’ na kung saan bukod sa motorsiklo ay saklaw rin ng bagong batas ang mga tricycle, sidecar o mga tricycle.
Layon ng batas na matiyak ang kaligtasan ng publiko laban sa mga krimen gamit ang motorsiklo.

Talamak ngayon ang mga krimen ng riding-in-tandem gamit ang motorsiklo para mabilis na makatakas at hindi agad mahabol ng mga awtoridad.

Abante Hiring – IT dep

Ang pinalaking plate number sa mga motorsiklo ay dapat nababasang mabuti kahit sa layong 15 metro at nakalagay ito sa harap, likod at gilid.

Magkakaroon ng co­lor scheme sa mga readable plate sa bawat rehiyon ng bansa para madaling ma-identify ang mga ito.
Ang hindi susunod sa bagong batas ay magmumulta ng mula P20,000 hanggang P50,000 at pagkakulong ng anim hanggang 12 taon.

Inaatasan ng batas ang Department of Interior and Local Government (DILG) na magkaroon ng impounding area dahil kasama sa parusa ang pagkumpiska sa motorsiklo o tricycle ng isang violator.