Abante Tonite Interactive

Mas maraming medalya dahil maraming atleta

322

Lumitaw na nga­yon ang matagal nang nangyayari sa larangan ng sports sa bansa.

Sa mga nakaraang international sports event ay madalas kakaunti lang ang nasusungkit na medalya ng Pilipinas.

Ang nangyari kasi ay kakaunti lang na atletang Pilipino ang naisasabak sa laban at hindi napupunan ang lahat ng laban.

Ayon kasi sa mga nakaraang laban ng mga atleta sa iba­yong dagat ay mas marami pa ang mga opisyal ang isinama sa delegasyon kumpara sa mga atleta.

Sasabihing nagtitipid ang gobyerno kaya limi­tado ang atleta pero sangkaterba naman ang mga opisyal.

Kaya noong dito mismo sa Pilipinas idinaos ang 30th SEA Games ay napakaraming mga atleta ang napalaban kaya naman ay marami rin ang nasungkit na medalyang ginto, silver at bronze.

Dapat ay sa susunod na international sports evemts ay baguhin na ang kalakaran at ang limitahan ay ang mga sports official at damihan ang bilang ng mga atletang isinasabak sa laban upang maraming maiuwing medalya sa bansa.

Kung anong dami ng atleta ang sumabak ngayon sa SEA Games ay ganito rin karami ang ipanlaban sa mga susunod na sports event sa ibayong dagat.

Kung mangyayari ito ay tiyak na mara­ming medalya rin ang maiuuwi ng mga atleta.

Sa pagho-host ng Pilipinas ngayong 30th SEA Games ay mara­ming aral din ang nakuha ng Pilipinas na dapat ay maikorek at magsilbing direksyon sa mga susunod na pa­timpalak.