Abante Tonite Interactive

Mas masaya ang taong makati ang paa

506

Julius Segovia

julius-segoviaMadalas, sa mall ang punta ng mga ­taong stressed sa buhay. Uubusin ang pera sa pagsa-shopping. Bibilhin ang mga bagay na makapagpapasaya raw sa kanila.

Ang iba naman, kai­nan ang puntirya. Iisipin mong katapusan na ng mundo dahil lalantakan ang mga pinakamasasarap na pagkain.

Pero ang mga materyal na bagay na ito – ‘temporary’ o pansamantala lang daw ang hatid na kasiyahan. Makalipas kasi ang ilang araw, unti-unti nang nawawala ang ngiti sa iyong mga labi. At kapag muling na-stress, ­pupunta ka muli ng mall o kaya’y kakain sa mga mamahaling restaurant para ma-satisfy ang sarili.

The cycle continues. Sa huli, wala ka pa ring contentment.

Sa pag-aaral na isinagawa ni Psychology professor Thomas Gilovich ng Cornell University, ‘long-lasting happiness’ daw ang hatid ng pagta-travel. Ilang taon o dekada man kasi ang lumipas, hindi nabubura sa alaala mo ang memories ng iyong traveling experience.

Kaya pala ang mga kaibigan kong laging kating-kati ang mga paa na gumala, masasayahing tao. Enriching din sa pakiramdam kapag may bagong lugar kang napupuntahan. Higit lalong masaya kapag nalaman mo ang kultura at tradisyon ng mga tao roon.

Sa pananaliksik ­naman ng Harvard University, lumalabas na mas masaya raw ang taong konektado sa kanyang pamilya, mga kaibigan at komunidad. Ibig sabihin, kung ga­gala – mas mainam daw na kasama ang mga malalapit sa buhay para mas masaya ang iiwan nitong karanasan.

Talagang ‘in’ ngayon ang #travelgoals. ­Nataon pang bakasyon nga­yon. Ang sa akin lang – imbes na ­gumasta sa mga bagay na pansa­mantala lang naman ang kasiyahang hatid, bakit hindi na lang magbakasyon kasama ang pa­milya?

Sabi nga ng ilang eksperto, ‘invest your hard-earned money in experiences’. Iba ang pakiramdam na sama-sama kayong pamilya o magkakaibigan na bubuo ng mga alaalang tatatak sa inyong mga puso habambuhay.