Abante Tonite Interactive

Mas matangkad ka pag bagong gising

18

Alam nyo bang mas matangkad ka kapag bagong gising?

Napa­pahinga at napa-flat kasi ang ating gulugod kapag tayo ay natutulog at muling nababaluktot kapag tayo ay gumagalaw sa maghapon.

***

Ang ating small intestine ay may karaniwang sukat na anim na metro.

***

Ayon sa pag-aaral ng mga siyentipiko, ang dugo ay karaniwang dumadaloy at bumabiyahe sa ating katawan nang napakahaba na kung susukatin ay aabot sa 60,000 milya ang haba, ito’y paglalakbay o pag-ikot ng dalawang ulit sa mundo.

***

Mas mabilis mag-isip at aktibo sa gabi ang utak ng isang tao kumpara sa araw. At 80 porsiyento ng ating utak ay binubuo ng tubig.

Ayon naman sa mga mananaliksik karaniwang nananaginip tayo ng pitong beses tuwing tayo ay ma­tutulog sa gabi. Ang isang panaginip naman ay tumatagal lamang ng dalawa hanggang tatlong segundo.

***

Alam nyo bang nagtataglay ang ating dila ng 3,000 taste buds

***

Related Posts

Ang buto sa ating mga hita ay mas matibay kung ikukumpara sa konkreto.

***

Mas mabilis ng apat na ulit ang paghaba ng ating kuko sa kamay kumpara sa ating kuko sa paa.

***

Nagagawang kumurap ng 10,000,000 ulit ang ating mata kada taon.

***

Ang pinakamaliit na uri ng buto ay matatagpuan sa ating tainga

***

Karaniwang gumagamit ng 75 muscles ang ating katawan kapag tayo ay nagsasalita.

***

Ang mga muscle sa iyong dila, mata at panga ang pinakamalakas na laman ng ating katawan.

***

Posibleng umabot ng limang talampakan ang buhok ng isang tao kapag hindi ito pinaputol.