Abante Tonite Interactive

Mas matinding trapik sa ‘ber’ months

247

Mas matindi ang mararanasan na trapik sa pangunahing lasangan sa darating na ‘ber’ months dahil sa umpisa na ang pagdagsa ng mga shopper sa mga malls lalo na sa kahabaan ng EDSA at ilang road repairs at pagsasara ng ilang tulay sa Metro Manila.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), lalo pang titindi ang trapik sa Metro Manila dahil sa hanggang sa kasalukuyan ay nakasarasa pa rin sa Old Sta. Mesa Bridge sa Maynila at Estrella Pantaleon Bridge sa Makati City

Sinabi ng MMDA na tuwing sasapit ang ber month hanggang sa buwan ng Enero ay talagang aasahan mo ang matinding daloy ng trapiko lalo na karamihan sa mga naglalakihan malls ay matatagpuan sa kahabaan ng EDSA.

Lalo pa aniyang nagpa-tindi ang pagsasar sa motorista ng Santa Meda Bridge na patuloy pang ginagawa na kumikonekta sa San Juan at Quezon City.

Sinabi ni Col. Edison ‘Bong’ Nebrija, MMDA EDSA Traffic Manager, mas lalo naka-alerto ang kanilang mga tauhan ngayon pagpasok ng ber months dahil sa inaasahan ang pagdagsag ng mga motorista.

Umapila naman si Nebrija sa publiko na makipagtulu-ngan sa pagresolba ng trapik sa Metro Manila at aniya kung wala naman importanteng lakad ay hwag nang makihalo sa EDSA upang makabawas bawas sa daloy ng trapiko.
Sa darating naman na buwan ng Oktubre ay pupulu-ngin ng MMDA ang mga may ari ng mall. Ito’y upang pag- usapan ang late na pagbubukas ng mga mall para ma-kabawas sa trapiko tuwing rush hour. (Armida Rico)